https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=2301229760155432&id=100008052918348&sfnsn=mo
Category: Uncategorized
Watch “December Avenue – Sa Dulo Ng Walang Hanggan (SNNP Piano Version – Official Music Video)” on YouTube
Ang kantang ito ay pinamagatang Sa Dulo Ng Walang Hanggan ng December Avenue. Ang December Avenue ay isang banda na binubuo ng limang miyembro. Sina Zel Bautista, Jem Manuel, Don Gregorio, Jet Danao at Gelo Cruz. Napili ko ang kantang ito sapagkat napakaganda nito. Mahilig ako sa mga kantang Tagalog na may mga magagandang tono at mga lirikong makapagbagbag damdamin na tila mailalagay mo ang iyong sarili sa kantang pinapakinggan. Halos lahat ng kanta ng bandang ito ay gusto ko at isa ang kantang ito sa pinakapaborito ko.
Sa pamagat pa lamang ng kanta ay mahihinuha mo na ang kantang ito ay nagtataglay ng malungkot at tagos sa pusong liriko. Bagay ang mga kantang ito sa taong “broken hearted” ngunit patuloy pa ring pinaglalaban ang pag-ibig niya sa taong mahal niya kahit tila ito ay imposible na. Sa isang interview, sinabi ng isang miyembro ng banda na si Zel kung saan patungkol ang kanta at ang official mudic video nito at ito ang kanyang sinabi, “Tungkol s’ya sa fantasy, actually. Yung focus ng video is about yung girl, nagkagusto s’ya sa lalaki then nagkaroon s’ya ng fantasy.”
Di naman maipagkakaila ang konseptong ito ng kanta dahil sa mga sumusunod na liriko:
Gumising ka at ng makita mo
Ang tamis ng sandali ng kahapong di magbabalik
Hanggang kailan pa ba magtitiis?
Nalunod na sa kaiisip
Huling kapiling ka’y sa aking panaginip
Ikaw mula noon
Ikaw hanggang ngayon
Napakasakit ng kantang ito kung mapapakinggan mo. Nong una ko tong napakinggan ay talagang nakakaiyak at mararamdaman ang sakit na ipinapahiwatig sa mga linya ng kantang ito na kahit di mo nararanasang mabroken hearted ay tila bang broken hearted ka. Yung tipong iniwan ka ng jowa mo kahit wala ka namang jowa, ganon yung feeling hehe. Bagay na bagay ang malumanay nitong tono upang mapahiwatig ang lungkot ng mensaheng ito.
Pinakapaborito kong linya sa liriko ng kantang ito ay:
Hanggang kailan ako maghihintay na para bang wala ng papalit sayo?
Nasan ka man
Sigaw ng puso ko’y ikaw hanggang ngayon
Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso’y wala ng nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailan pa man
Ako’y maghihintay sa ngalan ng pagibig
Para sa mga malulungkot, pakinggan niyo ang kantang ito at tiyak na mas lalo kayong malukungkot hanggang sa di mo namamalayang tumutulo na pala ang iyong luha hehe ( based on experience😜)
Field Trip 2k19👌❤
This is my first time to join field trip and i really had fun especially because I am with them!❤
Presidential Car Museum







National Museum of Fine Arts










National Museum of Anthropology






Star City

















Sample WebPage
file:///C:/Users/PC-05/Documents/Sample%20WebPage/Sample%20WebPage.htm

Filipino 101
Sa panahon natin ngayon, marami sa atin, lalo na ang tulad kong mga kabataan ang hindi pamilyar at hindi nalalaman ang ilan sa mga salitang Filipino dahil sa hindi ito kadalasang ginagamit at dahil na rin sa modernong teknolohiya. Sa pamamagitan ng blog kong ito, aking ibabahagi ang ilan sa mga “uncommonly used Filipino words” at ang kahulugan nito at halimbawa sa pangungusap. Kaya naman, maghanda na sa bagong kaalaman!
1.) Sulatroniko (E-mail)
Kahulugan: Ito ay isang makabagong paraan ng pag hahatid ng liham sa pamamagitan ng internet.
Halimbawa: Inatasan kami ng aming guro na ipasa ang aming takdang aralin sa pamamagitan ng sulatroniko.
2.) Pook-sapot (Website)
Kahulugan: Isang lugar sa World Wide web na binubuo nang ibat ibat impormasyon patungkol sa tao, lugar, organisasyon at iba pa.
Halimbawa: Napakarami ng binubuksan na pook-sapot ng aking kamag-aral para lamang makakuha ng reperensya sa aming takdang aralin.
3.) Kawingan (Hyperlink)
Kahulugan: Isang may na kulay salita o di kaya’y larawan na maaari mong piindutin upang makapunta ka sa ibang pook-sapot.
Halimbawa: Kapag gumagawa ng presentasyon mas mapapadali ito kapag ginamitan ng kawingan.
4.) Miktinig (Microphone)
Kahulugan: Isang bagay na ginagamit upang mapalakas ang transmisyon ng iyong boses lalo na kapag nasa malawak ka na lugar. Maaring gamitin ito sa pagbabalita, pag-aanunsyo o di kaya sa pagkanta.
Halimbawa: Sa paggamit ng miktinig, mahalagang isaalang-alang ang ayos ng paghawak nito at amg timbre ng boses.
5.) Dupil (Amulet)
Kahulugan: Anting-anting o agimat; Isang bagay na pinaniniwalaang may kapangyarihang iligtas ang buhay ng taong may ari nito sa kapahamakan.
Halimbawa: Pinagamit ni Mang Jose sa kanyang anak ang dupil bago ito lumuwas sa Maynila.
6.) Kansunsilyo (Boxer Shorts)
Kahulugan: Kasuotang pang-ibaba na karaniwang ginagamit ng mga kalalakihan.
Halimbawa: Ang aking nakatatandang kapatid na lalaki ay mahilig magsuot ng kansunsilyo.
7.) Sambat (Fork)
Kahulugan: Tinidor; Isang kagamitan na ginagamit sa hapagkainan.
Halimbawa: Nitong nakaraan lamang ay nag-away ang dalawa naming kapitbahay dahil sa nawawalang sambat.
8.) Labaha (Razor)
Kahulugan: Pang-ahit; Isang matalas na instrumentong ginagamit upang ahitin ang buhok.
Halimbawa: Hinanap ng aking ama sa banyo ang bagong biling labaha.
9.) Pulot-gata (Honeymoon)
Kahulugan: Isang kinaugaliang pagbabakasyon ng mga bagong-kasal upang ipagdiwang ang kanilang pagiisang-dibdib, pagiging magkatipan, at pagmamahalan sa isang matalik na paraan, habang malayo’t hiwalay sa mga kamag-anak at iba pang mga tao.
Halimbawa: Pumunta sina Anne at Diego sa bansang Maldives para sa kanilang pulot-gata.
10.) Duyog (Eclipse)
Kahulugan: Ito ay isang penomena at itinuturing na kababalaghan na kung saan natatakpan ng anino ng buwan ang sinag ng araw.
Halimbawa: Sa tuwing nababalita na sasapit ang duyog ay talaga namang inaabangan ito ng karamihan sa atin.
Beshywaps

Blurred but captures the true essence💟 That’s I am when I’m with them, seems everything’s blurred, just the four of us and nothing more felt but only happiness💯
In the picture, they are my bestfriends, we are called “mga mars, bruhas, pabebe girls” and so on that we can be called of ourselves but recently our group was named “papokpokan” the name may not be that pleasant and intriguing but the reason for that name will be secret for now hehe. I’ll just reveal the reason later on, just wait😉 Before I forgot, we are four in the group as you can see in the picture, and have names like for me, I am called Ameng; Jennifer Lomboy is called Ineng; Andrea Joyce is called Andeng; and last but not the least, Joana Denise as Aneng. Our names have same ending which is “eng” coz’ we are all “engeng” hehehe😅
I am truly happy when I’m with them as what the picture suggests. We have so many pictures but that one got my attention the most, it’s Andeng’s birthday and we celebrated it at the Valenzuela Ppark after their class in PLV, it was really fun indeed. We are now in Senior High and I am the one away from them because I still studied here in Lawang Bato while they are in PLV. But even so, it is not a hindrance for our friendship to end, we are still complete and our friendship continues and still counting for years💗
The Journey Begins
Thanks for joining me!
Good company in a journey makes the way seem shorter. — Izaak Walton
